ni ROBERT REQUINTINA

Matapos ang mga espekulasyon hinggil sa balitang paglipat, pormal nang ipinakilala ang aktres na si Sunshine Dizon bilang isang Kapamilya, nitong Biyernes, Abril 30.

Huling napanood si Sunshine, 37, sa sikat na Kapuso afternoon teleserye na Magkaagaw, kung saan nagbida rin sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales. Nagwakas ang serye nitong Marso 31.

Naging bahagi ng GMA-7 ang award-winning actress sa loob ng 25 taon. Ngunit bago ito, lumabas si Sunshine sa dalawang episode ng Kapamilya anthology program na Maala-ala Mo Kaya noong 1992 at 1994.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagsimula ang karera ni Sunshine sa GMA-7 sa seryeng Anna Karenina kasama sina Antoinette Taus at Kim delos Santos noong 1996.

Sa ABS-CBN, magiging bahagi si Sunshine ng upcoming ABS-CBN series na Marry Me, Marry You.