ni STEPHANIE BERNARDINO

Napanood kamakailan ang seasoned broadcast journalist nasi Ces Drilon sa bagong teleserye na Init Sa Magdamag.

Ginampanan ng dating ABS-CBN reporter ang role ng isang TV host sa programang “Let’s Talk with C.”

Dito, kinapanayam ni Ces ang karakter ni lead star JM de Guzman, na isang politiko.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una rito, ibinahagi ni Ces ang panibagong kaganapan sa kanyang buhay sa social media.

“Nagbabagang balita! Now it can be told. Isa na akong teleserye star! Kasama ako sa pinakamainit na kaganapan ngayong summer!… Cameo lang naman po,” post nito.

Higit tatlong dekada nagtrabaho ang 59-anyos na news anchor sa ABS-CBN.