ni FER TABOY

Patay ang isang barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng mga armadong lalaki habang nagroronda sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Pikit Municipal Police Station(PMPS), kinilala ang biktima na si Jerry Mangansakan, barangay tanod ng Barangay Macasendeg, ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Major Rolando Dellera, hepe ng PMPS, dakong 9:30 ng gabi, sakay ng motorsiklo ang biktima habang binabaybay ang Sitio Manding, Bgy.Poblacion, nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Agad namang tumakas ang mga salarin makaraang masiguro na patay na ang biktima.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Mangansakan, na ikinamatay nito. Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PMPS sa kasong pamamaril at patay sa biktima.