ni ADOR V. SALUTA
Nominado ang aktor na si Kit Thompson para sa Best Actor category sa nalalapit na 54th Worldfest-Houston Panorama Asian Awards na nakatakdang ganapin sa Houston,Texas.
Kinilala ang husay sa pag-arte ni Kit sa kanyang performance sa iWant Original film Belle Douleur kung saan ginampanan ni Kit sa movie ang karakter ni Josh, a young and attractive antique dealer at rock musician na nagkaroon ng affair kay Liz, isang 45-year-old, single clinical psychologist na ginampanan ni seasoned actress Mylene Dizon.
Tampok sa 54th Worldfest-Houston International Film Festival ang 35 new, award-winning independent feature films at higit 100 shorts films mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Balitang ang malakas na makakatunggali ni Kit sa best actor ay ang nominee from Japan, si Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya, na kapwa kinilala para sa kanilang performances sa pelikulang Sin-Gone Irony.
Ang “Belle Douleur” movie ay siya ring magsisilbing directorial debut ng long-time film producer Joji Alonso. Unang napanood ang “Belle Douleur” noong 2019 sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kung saa'y nanalo ito ng audience choice award for full-length entries.