TULOY ang pagpapakatatag ng pamilya Guipit lalo na’t muling sasailalim si Gwaps (Buboy Villar) sa operasyon sa puso. Kung dati ay si Doc Migs (Benjamin Alves) ang nagsagawa ng operasyon, ngayon ay si Doc Kenneth (Rocco Nacino) ang mangunguna sa open heart surgery—bagay na ikapapanatag ng loob ni Sensen (Lovi Poe) at ikaseselos naman ni Doc Migs.

Hindi pa rin makatitikim ng ginhawa ang pamilya Guipit dahil di nila malaman kung saan kukuha ng ipangbabayad sa ospital. Kaya para makatulong, magpapa "fund run" sina Vida (Ai-Ai Delas Alas), Evs (Kiray Celis), at Richard (Jason Francisco) nang makalikom ng mga donasyon. Magpapalakasan din sina Doc Migs at Doc Kenneth kay Sensen para sa tulong-pinansiyal.

Sa gitna ng mga pasakit, may sorpresang bubulaga kay Sensen sa ospital.

Matapos mapatawad ang kanyang ina, magiging handa na rin si Doc Migs na panindigan ang kanyang pagmamahal kay Sensen, pero pilit magiging balakid sa kanyang mga plano si Trixie (Winwyn Marquez) at Doc Kenneth. Magkakainitan din at magkakasakitan pa ang dalawang doktor dahil sa tindi ng kanilang kompetisyon.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Muli namang magkakaroon ng lamat ang relasyon ni Oryo (Pekto Nacua) at ng kanyang pamilya dahil sa mga isisiwalat ni Gastor (Gene Padilla). Dahil sa kahihiyan, tuluyang mapapariwara si Oryo. Kayanin pa kaya ni Sensen ang lahat?