SA batang edad na 15, isa nang ganap na challenger sa pamosong Women’s Tennis Association(WTA) ang teen phenom at Globe Ambassador Aex Eala.
Patuloy ang hakbang ni Eala para sa hangad na titulo sa sports na bihirang madomina ng Asian, higit ng Pinay tennis player sa kanyang pagsabak sa main draw ng US$60,000 Bellinzona tournament sa Abril 5-15 sa Switzerland.
Ito ang kauna-unahang sabak ni Eala sa WTA-sanctioned event.
Kamakailan, naimbitahan siya sa qualifying ng Miami Open, ngunit nabigo makausad sa main draw. Ginapi niya si World no. 104 Viktoria Kuzmova sa unang set bago bumigay sa pahirapang, 4-6, 6-4, 6-2 desisyon sa Hard Rock Stadium sa Florida.
Napukaw ni Eala ang atensyon ng international tennis community matapos makamit ng Rafa Nadal Tennis Academy scholar ang singles title sa International Tennis Federation (ITF) tournament.
Kasalukuyang no. 736 sa world ranking ng WTA ang Pinay pride.
Nakamit ni Eala ang unang singles title sa pro circuit nang magwagi sa ioepning leg ng Rafa Nadal Academy ITF World Tour sa Mallorca, Spain nitong Enero.