Ni NORA V. CALDERON
MULING ‘nilanggam’ ang social media dahil sa mga behind-the-scenes photos ng cast ng upcoming GTV series na Heartful Cafe.

Nag-tweet kasi si Kapuso actor David Licauco ng sweet selfie nila ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na may caption na “ay yung crush ko.” Kaya kinilig ang mga netizens na nakakita nito kaya inulan ang post ng libu-libong likes. Agree ang mga netizens na may chemistry sina Julie Anne at David at bagay sila para sa mga roles na gagampanan nila sa bago nilang serye na “Heartful Cafe.” At requests din nila na sana ay totohanin nila ang mga nakakaklig na eksena!
Pareho naman kasing libre itong sina Julie Anne at David, kaya kung talagang siseryusin ng Kapuso actor ang Asia’s Pop Diva, ay wala namang magiging problema.
Ang “Heartful Cafe” ay mapapanood na sa GTV sa Monday, April 5, 2021