PINATUNAYAN ni National Master Jonathan Tan na dapat siyang katakutan sa online bullet chess matapos angkinin ang Cavite Spartans 1+1 Bullet Practice Arena nitong Huwebes sa lichess.org.

Ginapi ng pambato ng Davao City ang mga karibal sa torneo na inorganisa ni International Master Petronio “Rony” Roca ng Bayanihan Chess Club.

Nakalikom siya ng 42 Arena points mula sa 14 wins at four loss sa one minute plus one second increment tournament.

Nakamit ni Tan ang championship crown matapos manaig sa tie break kontra kay eventual runner-up place Jayson Visca ng Romblon na may similar 42 Arena points.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumapos naman sina Arena Grandmaster at sports journalist Marlon Bernardino ng solo third na may 40 Arena points.