ni Jhon Aldrin Casinas

Isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ito ang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na nagsabing patuloy pa rin nilang binabantayan ang nasabing samama ng panahon.

Paglilinaw ng PAGASA, nasa 2,095 kilometro pa ang LPA mula sa kalupaan ng Pilipinas at hindi pa ito nakaaapekto sa alinmanng bahagi ng bansa.

Eleksyon

Camille Villar, bahagi pa rin ng ‘Alyansa’ ni PBBM

Ayon sa PAGASA, ang esaterlies pa rin ang kasalukuyang nakaaapekto sa bansa, partikular na sa Silangang bahagi nito. Sinabi namna ni weather forecaster Meno Mendoza, ng PAGASA, patuloy na mararanasan ng bansa ang mainit na panahon dahil sa umiiral na easterlies na nagdadala ng maalinsangang hangin mula sa Pasipiko.

“Ngunit asahan pa rin pagdating ng hapon at gabi, posible pa rin ang pagkakaroon natin ng pulo-

pulong mga pag ulan na dulot pa rin ng mga localized thunderstorms,” ayon pa sa kanya.