ni Annie Abad
HUMIRIT si Southeast Asian Games veteran Luke Gebbie ng isang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya sa Victoria Open Long Course Swimming Championships kamakailan sa Australia.
Nasisid ni Gebbie ang ginto sa men’s 100-meter butterfly sa bilis na 55.83 segundo, sapat para pataubin sina silver medalist Hamish Mcdougall (56.03) at bronze winner Luka Zubcic (56.54), habang silver siya sa 50m butterfly (25.27) kay Jack Gerrard na may 25.24 segundo. Pumangalawa rin ang 24- anyos tanker sa 50m freestyle nang irehistro nito ang 23.39 segundo sa likod ni gold winner Andrew Lauterstein na may 22.77 segundo.
Nakuha naman ni Gebbie ang tanso sa 100m freestyle bitbit ang 51.27 segundo habang nangibabaw si Benno Negri (50.52) at pumangalawa si Gerrard (50.95).
Ang Fil-foreign swimmer ang isa sa pambato para sa SEA Games sa Vietnam