Ni MERCY LEJARDE

MATAPOS maisalba ng taumbayan ng ilang linggo sa nominasyon tuluyan na rin lumisan si Ella Cayabyab sa Bahay ni Kuya bilang panlabing-isa na evictee ng PBB Connect.

Nanaig sa botohan ang kapwa niyang nominadong housemate na si Amanda Zamora na nakakuha ng 38.75% mula sa pinagsamang Kumu at text votes, habang -9.37% naman ang pumasok na boto para sa “RaKweentera ng Quezon.”

Lubos pa rin ang pasasalamat ni Ella sa “PBB Connect” sa naging mga karanasan niya sa loob ng bahay. “Natutunan ko na mas magiging matatag po at lumaban lang po hanggang sa kaya po,” aniya.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Samantala, malapit nang makilala ang housemates na bubuo sa Big 4 ng “PBB Connect” dahil sa unang pagkakataon, lahat ng Big 4 slots ay paglalabanan ng housemates sa pamamagitan ng “Big 4 Karapat-Dapat Challenges,” kung saan sariling sikap at kakayanan ang magiging sukatan. Pero kailangan mag-ingat ang housemates dahil puwede pa ring masungkit ang slot.

Sino kaya kina Amanda, Andrea, Chico, Jie-Ann, Kobie, Liofer, at Ralph ang tatanghaling Big 4?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.