ni Bella Gamotea

Patay ang isang registered nurse matapos umanong tumalon sa mataas na bahagi ng isang mall sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Anna Lorraine Laderas, 29, registered nurse at tubong Calatagan, Batangas.

Sa ulat nina SMS Mark Sherwin Forastero at MSg Allan Besa, mga imbestigador ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMIS), naganap ang insidente sa ikalimang palapag ng isang mall sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, dakong 6:17 ng umaga.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang nakaduty sa ground floor ang guwardiyang si Roche Borres, 29, nang makita umano nito ang biktima na nakaupo sa barrier fence sa ikalimang palapag at bigla na lamang tumalon at bumagsak.