ni Nitz Miralles
SA gitna ng sunud-sunod na balita sa relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, nananatiling tahimik si Andrea Torres, ang ex-GF ni Derek. Pero, deadma si Andrea na para bang gustong ipaalam na wala na siyang pakialam sa dalawa. Kahit nga siguro magpakasal na sina Derek at Ellen, mananatiling tahimik ang isa sa leading lady ni Dennis Trillo sa Legal Wives.

Ugali na pala ni Andrea ang pananahimik sa kahit anong isyu, lalo na siguro kung isyu na sangkot siya. Katuwiran nito, ayaw niyang maka-offend at magsalita man siya, pinag-iisipan niya ng husto.
Speaking of Andrea, gusto pala nitong ma-experience ang mag-travel mag-isa, gaya nang ginawa ng bida sa Eat, Pray, Love na mag-isang nag-travel mag-isa after a break-up. Pero, ang gusto ni Andrea, sa Europe siya mag-travel.
Kung this year ang plano ni Andrea na mag-travel sa Europe na mag-isa, magagawa niya ito after na ng taping ng “Legal Wives.” Ilang balik na lang siguro sila sa lock-in taping at matatapos na sila dahil sa May ang world premiere.