NEW YORK (AFP) — Nagbabala ang pinuno ng United Nations noong Lunes ng isang “death sentence” laban sa Yemen na dinurog ng digmaan, matapos ang donor conference ay nagbigay ng mas mababa sa kalahati ng mga pondong kinakailangan upang maiwasan ang isang mapinsalang pagkagutom.
Umapela ang UN para sa $3.85 bilyon para sa agarang kailangan na tulong, ngunit $1.7 bilyon lamang ang inalok sa isang virtual pledging conference.
“Millions of Yemeni children, women and men desperately need aid to live. Cutting aid is a death sentence,” sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres.
Inilarawan ang kinalabasan bilang “disappointing”, sinabi niya na ang mga pangako ay mas mababa kaysa sa natanggap ng UN noong 2020, nang ang mga donasyon ay unang bumaba resulta ng coronavirus, at kapos ng isang bilyong dolyar sa ng mga pondo na inalok sa apela noong 2019.
“The best that can be said about today is that it represents a down payment. I thank those who did pledge generously, and I ask others to consider again what they can do to help stave off the worst famine the world has seen in decades,” sinabi ni Guterres sa isang pahayag.
Mahigit sa 100 mga gobyerno at donor ang nakilahok sa kumperensya, na co-host ng Sweden at Switzerland, habang itinutulak ng mga rebeldeng Huthi ng Yemen na agawin ang huling hilagang kuta ng gobyerno.
Naglalaban sa anim na taong digmaang sibil ang mga rebelde na suportado ng Iran laban sa gobyerno na kinikilala sa buong mundo at suportado ng military coalition na pinamunuan ng Saudi.
Sinabi ni Guterres na ang tanging paraan upang maibsan ang pagdurusa ng mga Yemeni ay masiguro ang isang pambansang tigil-putukan at isang solusyon sa politika upang wakasan ang hidwaan na nagsadlak sa bansa pinakamalalang humanitarian crisis sa mundo.
“There is no other solution,” sinabi ng UN chief. “The United Nations will continue to stand in solidarity with the starving people of Yemen.”
Ayon sa pinakabagong datos ng UN, higit sa 16 milyong mga Yemeni, halos kalahati ng 29-milyong populasyon, ang haharap sa gutom sa taong ito.
Halos 50,000 ay halos mamatay na sa gutom sa famine-like conditions.
Nagbabala ang UN na 400,000 mga batang Yemeni na wala pang lima ang edad ay maaaring mamatay mula sa matinding malnutrisyon