ni Charissa Luci-Atienza

TULOY at mangangailangan ng mas maraming volunteers ang clinical trials sa paggamit ng lagundi (Chinese chaste tree) bilang coronavirus disease (COVID-19) therapeutic o supplement.

Ito ang ibinahagi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato T. de la Peña sa kanyang weekly report nitong Biyernes.

Bilang pagsipi sa DOST-Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), sinabi ng kalihim na nasa Stage 2 na ang clinical trials at sumasailalim na ang mga participants sa screening at recruitment.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

“The screening and recruitment of participants for Stage 2 of the study is ongoing,” ani de la Peña.

Nitong Pebrero 19, aniya, nag-enrolled ang proyekto ng kabuuang 75 participants mula sa limang study sites o quarantine facilities.

Para sa Stage 2 ng pag-aaral, target naman ang bilang na 200 qualified volunteers.

Hunyo 2020, nang ianunsiyo ang clinical trials para sa lagundi na inaprubahan ng DOST-PCHRD. Abril nitong nakaraang taon, sinimulang pag-aralan ng DOST ang bisa ng ilang halamang gamot laban sa COVID-19.

Kilala ang Lagundi bilang gamot sa ubo.

Habang noong Agosto 2020, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials sa lagundi bilang supplemental treatment laban sa COVID-19.