ni Liezle Basa Iñigo
ILOCOS NORTE –Isang rider at angkas nito ang binawian ng buhay nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa Laoag City, nitong Huwebes ng gabi.
Sa police report, kinilala ang dalawa na sina Jim Prince Bill Gasidan Valdez, 20, taga-Bgy. 32, Sungadan, Paoay, Ilocos Norte, at CK Leano, taga-Cagayan.
Pauwi na sana ang dalawa at binabagtas ang Bypass Road sa Bgy. Bangcag nang biglang sumalpok sa concrete barrier ang sinasakyang motorsiklo.
Dead on arrival sa Laoag City General Hospital ang dalawa sanhi ng matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan.