ni Richa Noriega

Nasa 15 na mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) nang lumubog ang sinasakyang bangka matapos na hampasin ng malalaking alon sa pananalasa ng bagyong ‘Auring’ kamakailan.

Paliwanag ng PCG, kaagad silang nagresponde sa karagatan ng General Santos City nang matanggap ang impormasyon kaugnay ng insidente na nagresulta sa pagkakaligtas sa mga mangingisda.

Dinala muna ang mga ito sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa nasabing lungsod upang mabigyan ng kaukulang tulong.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’