ni Bella Gamotea

Pinaghahanda na ang mga Pinoy sa Myanmar upang lumikas dahil na rin sa tumitinding kaguluhan.

Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) art sinabing nasa Level 2 na ang ipinaiiral na alert status sa Myanmar kaya gumagawa na ng paraan ang ahensya para na rin sa kaligtasan ng 1,273 na Pilipinong naka-base sa nasabing bansa.

Paglilinaw ng DFA, sa Alert Level 2 status, pinagbabawalan nang bumiyahe o lumabas ng bahay ang mga Pinoy sa nabanggit na bansa kung hindi naman importante ang kanilang lalakarin.

National

PBBM, ikinababahala epekto ng impeachment para sa ekonomiya, 'di para sa sarili–Palasyo

Pinaiiwas din ang mga ito sa sa mga lugar na pinagdarausan ng mga kilos-protesta.

Tanging ang mga returning worker na mayroong kontrata ang pinapayagang bumiyahe patungong Myanmar, ayon pa sa DFA.