ni Annie Abad

KUMPIYANSA si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella ‘popoy’ Juico na tatlong atleta pa ang makakasikwat ng slots para sa 2021 Tokyo Olympics sa Hulyuo 3 hanggang Aug. 8.

Ayon kay Juico, handa at nasa tamang kondisyon sina tracksters Eric at Kristina Knott, gayundin si pole vaulter Natalie Uy – pawang national record-holders na nakabase sa Amerika – para sa kanilang pagsabak sa mga nalalabing Olympic qualifying meet bago matapos ang Hunyo.

Tuloy ang takbo ni Cray sa mga torneo sa Texas kung saan umaasa si Juico na makakasikwat ng slot sa 400-meter run ang 2016 Rio Olympics veteran.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nananatili namang bukas ang oportunidad kay Knott, binura ang matagal nang marka ni Lydia De Vega sa 100mnitong Agosto sa bilis na 11.27segundo, habang tumataas ang marka ni Uy.

“I’m hoping for the best for these athletes,” pahayag ni Juico sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association Online Forum nitong Martes.

Sa kasalukuyan, tanging si pole vaulter EJ Obiena ang kwalipikado sa Olympics mula sa PATAFA