IPINAHAYAG ng MILO Philippines at Department of Education (DepEd) ang tambalan para isulong ang online program – MILO Champion Habit – P.E. at Home – para manatiling konektado ang mga batang mag-aaral sa kanilang Physical Education (P.E.) classes sa ‘new normal’.

Masinsin ang pagbalangkas sa programa na magkatuwang na binuo ng MILO at DepEd sa layuning mapanatili ang kalusugan ng mga estudyante kahit nanatili ang pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Mapapanood na ang programa sa MILO YouTube Channel.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Napakahalaga po talaga ng partnership na ito sa Department of Education dahil misyon ng atingkagawaran ay diinan ang EduKalidadnapatungkolsapakikipag-ugnayansa[atingmgapartner,” pahayag ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports on Air’ ng Tabloids Organization In Philippine Sports (TOPS) via Zoom nitong Huwebes.

“Itong agreement nito ay makakatulong sa pagpapalaganap ng aming distance learning modality. Inaasahan po natin na gagamitin [ito] ng ating mga anak – hindi lamang po pagtinuturo ang Physical Education modules, kung hindi bilang paraan para maging physically fit,” aniya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).

Ang MILO Champion Habit ay bahagi rin ng programa ng Nestlé’s na masuportahan ang DepEd’s Learning Continuity Plan.

“We are fully committed to support the DepEd in equipping the parents and teachers who now play a bigger role in assisting their children for online classes,” pahayag ni Luigi Pumaren, MILO Sports Executive.

“Through the MILO Champion Habit – P.E. at Home, we’d like to help moms and dads cultivate a culture of active living among kids because with regular physical activity, children become better learners. Couple that with proper nutrition and a cup of MILO in their daily habit, kids will be energized to perform their tasks in school.”

“We see to it that we bring our partners together in creating a program that is not only well-rounded but also fun and enjoyable so that kids are motivated to focus on their studies,” aniya.

Kabilang ang mga premyadong atleta na sina MILO Champions volleyball star Alyssa Valdez at SEA Games taekwondo champion Japoy Lizardo sa magbibigay ng exercise drills sa naturang programa.

“As a former athlete, I see the value of exercise as part of an individual’s holistic development. Now that I have become a parent, it is important for me that I expose my child to active living while he is still young. My kid and I enjoy doing the MILO Champion Habit – P.E. at Home movement especially while drinking cups of MILO. It is a great way for us to start the day,” pahayag ni Lizardo.