Aliw ang paggi-guest ni Aiko Melendez sa vlog ng comedian at talent manager na si Ogie Diaz at in-upload sa YouTube dahil sumalang sila sa lie detector challenge at nagsalitan sa pagsagot ng kani-kanyang mga tanong.

Unang tanong ni Ogie ay kung masaya si Aiko sa engagement ni Ara Mina kay Dave Almarinez?

“Oo naman. Happy ako,” diretsong sagot ni Aiko.

Maaalalang nagkaroon ng issue dati sina Aiko at Ara dahil kay Jomari Yllana na kapwa nila naging karelasyon. At pagkatapos ng 16 years, ay nagkabati rin ang dalawang aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Tinanong din ni Ogie ang aktres ng Prima Donnas kung galit ba siya sa ex-husband niyang si Jomari?

“Hindi. May explanation ako after,” sagot ni Aiko.

Paliwanag niya: “Mother, hindi ako galit sa kanya. Bwisit ako sa kanya. Hahahaha! Charot lang. Hindi naman ako galit sa kanya kasi ang galit dito sa dibdib nanggagaling, ‘di ba? Hindi. Ang sa akin lang, ‘yong minsan lang, parang, hay naku. Parang napapaganu’n lang ako. Heto na naman. Pero hayaan mo na.”

Hindi sold si Ogie sa pahayag ni Aiko, kaya muli nitong tinanong ang aktres kung

bakit nga nabubuwisit siya kay Jomari gayung bumabawi naman pala ito. “Kasi minsan may mga sinasabi s’ya na hindi nangyayari. ‘Yong sama ng loob ko, ‘yong kabuwisitan ko sa kanya, it’s because of my son. As I’ve said, bumabawi naman s’ya. Sana naman maging consistent s’ya ngayon.

Ang tinutukoy pala ni Aiko kung bakit nasabing nabubuwisit at bumabawi naman si Jomari ay ang pakikipagkita ni Jomari sa anak nilang si Andre. Sana raw maging consistent dahil last holiday season, three times nagkita ang mag-ama at wish ni Aiko, magtuluy-tuloy na nagkikita ang mag-ama.

Speaking of Aiko, patuloy siyang kinaiinisan at may mga naha-high blood pa rin sa kanya sa viewers ng Prima Donnas sa sobra niyang kasamaan kina Katrina Halili at kay Jillian Ward. Sa February pa magtatapos ang hit Afternoon Prime ng GMA-7, kaya matagal pa ang pagkabuwisit ng Kapuso viewers kay Kendra (Aiko).

-Nitz Miralles