LOS ANGELES – Hindi man knockout, impresibo ang pro debut ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa kanyang pro debut via unanimous decision kontra American boxer Andrew Whitfield sa kanilang 4-round middleweight contest nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) sa Shrine Expo Center sa Los Angeles.

Nakuha ni Marcial ang ayuda ng tatlong judges — Don DeVerges, Ron Scott Stevens at Damian Walton – sa ibinigay na 40-36 iskor.

Ang pambato ng Zamboanga City ang isa sa ipinapalagay na may malaking tsansa na makasungkit ng gintong medalya sa Philippine team na isasabak sa Tokyo Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!