Inaasinta ng island province ng Guimaras na maging paraiso sa bisikleta ng bansa sa paggamit ng mga bisikleta na gawa sa kawayan.

Inilunsad ngayong linggo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at pamahalaang panlalawigan ng Guimaras ang Green Spark Project sa bayan ng San Lorenzo.

“What we want to achieve here is to create a green revolution. We want to spark green revolution in the tourism sector and a little way to contribute to the economy of Guimaras,” sinabi ni Reagahn Alcantara ng NGCP-Corporate Initiatives and Advocates Division.

Ang Green Spark Project ay nagtataguyod ng “bambikes” o mga gawa sa kawayan na bisikleta. Nilalayon nito inclusive-growth na makikinabang ang mga lokal na pamayanan sa bayan ng San Lorenzo. Mayroong isang pangkat ng mga lokal na residente na lilikha ng mga bisikleta na gawa sa kawayan dahil ang kawayan ay sagana sa bayan habang ang iba ay magsisilbing gabay para sa mga bisita.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

“This is a social-enterprise project that creates sustainable jobs in rural villages through hand crafted-bamboo bikes,” sinabi ni Elena Quezon ng Guimaras Provincial Economic Development Office.

Ang Green Spark Project ay mayroon ding pakikipagsosyo sa mga lokal na pamahalaan ng mga bayan ng San Lorenzo at Buenavista pati na rin sa mga pangkat ng Bambike Revolution Cycle at Guimaras Wind.

-Tara Yap