INILABAS ng mga lider ng 21 miyembrong bansa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ang Kuala Lumpur Declaration matapos ang pinakaunang virtual APEC Economic Leaders’ Meeting nitong Lunes.
Pinamunuan ang 27th Economic Leaders’ Meeting ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin.
Sa kanilang unang pahayag mula sa huling pagpupulong sa Papua New Guinea noong 2018, nagkasundo ang mga lider sa isang joint declaration sa ilalim ng 2020 APEC Malaysia na may temang “Optimising Human Potential towards a Resilient Future of Shared Prosperity: Pivot. Prioritize. Progress”, ayon sa pinagkasunduang pahayag nitong Sabado.
Sa ilalim ng Kuala Lumpur Declaration, nangako ang mga lider ng ekonomiya ng APEC na mananatiling sa determinasyong matulungan ang Asia-Pacific region na matagumpay na makabangon mula sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic at sa epekto nito sa ekonomiya.
Nangako rin ang mga lider ng APEC na poprotektahan ang buhay ng mga tao sa rehiyon at ang kanilang kalusugan.
Muli rin nilang binigyang-diin ang pahayag upang higit pang matulungan ang rehiyon tungo sa pagbangon sa pamamagitan ng matatag, balanse, inklusibo, matatag, inobatibo at ligtas na paglago ng ekonomiya.
“Our coordinated action and cooperation are more important than ever to overcome the challenges of COVID-19 and realize new and emerging opportunities for prosperity for all,” pahayag ng mga lider ng APEC.
Bilang pagkilala sa kahaharaping mga pagsubok ng mga ekonomiya sa rehiyon sa gitna ng COVID-19 pandemic, nangako ang mga APEC leaders na magtutulungang suportahan ang ilang prayoridad, tulad ng paglaban at paglimita sa epekto ng virus, pagpapabuti sa naratibo ng kalakalan at pamumuhunan, pagsuporta sa inklusibong partisipasyon ng mga ekonomiya sa pamamagitan ng digital economy and technology, pagpapatakbo sa innovative and inclusive sustainability, gayundin ang pagpapalakas sa stakeholder engagement.
Opisyal ding inendorso ng mga lider ang bagong APEC Putrajaya Vision 2040 na bubuo sa hinaharap ng rehiyon. Hangad ng dokumento ang bukas, dinamiko, resilient, at mapayapang Asia-Pacific community pagsapit ng 2040 at prosperidad para sa lahat ng tao at sa mga susunod na henerasyon.
Ibinigay naman ng mga lider sa mga APEC senior officials ang pagkumpleto sa komprehensibong implementasyon na plano na ikokonsidera sa 2021.
Ang New Zealand ang susunod na magho-host sa susunod na taon bilang pinuno ng APEC 2021.
Antara