Respeto ang naging panawagan ng United Nations High Representative for the Alliance of Civilizations para sa lahat ng relihiyon at paniniwala at para sa pagpapaunlad ng kultura ng pagkakapatiran at kapayapaan.
Sa isang pahayag kamakailan, nagpahayag ng matinding pagkabahala si Miguel Angel Moratinos hinggil sa lumalagong tensyon at sitwasyon ng karahasan na nag-ugat sa isang satirical caricature ng weekly magazine Charlie Hebdo publication na naglalarawan kay Islam Prophet Muhammad.
“The inflammatory caricatures have also provoked acts of violence against innocent civilians, who were attacked for their sheer religion, belief, or ethnicity,” diin ni Moratinos.
Aniya, ang pag-insulto sa relihiyon at mga sagradong simbolo ng nito ay nagpapausbong ng galit at matinding karahasan, na humahantong sa polarisasyon at pagkakahati ng lipunan.
Ang freedom of expression ay ginagamit dapat ng may pagrespeto sa paniniwala ng mga relihiyon at doktrina, pahayag pa ni Moratinos.
“Acts of violence cannot and should not be associated with any religion, nationality, civilization, or ethnic group,”dagdag pa niya.
Nitong nakaraang buwan, inilarawan ni French President Emmanuel Macron ang Islam bilang “a religion in crisis” at inanunsiyo ang plano para sa mas mabigat na batas patungkol sa “Islamist separatism” sa France.
Higit pang lumala ang tensyon matapos pugutan ng ulo ang isang middle school teacher, si Samuel Paty, sa bahagi ng Paris noong Oktubre 16 matapos itong magpakita ng cartoon ni Prophet Muhammad sa isa sa mga klase nito sa freedom of expression.
Ang salarin, si Abdullakh Anzorov, ay isang 18-anyos mula Chechen, na kalaunan ay nabaril ng mga pulis.
Nag-alay ng tribute si Macron kay Paty, habang ibinalandra ang naturang cartoon ni Charlie Hebdo sa mga gusali sa ilang siyudad.
Dinepensahan rin ni Pangulo ang caricatures, sa pagsasabing “France would not give up our cartoons,” na nagdulot ng matinding pagkondena mula sa mga Muslim sa mundo.
Bukod sa pagkondena mula sa ilang bansa, kabilang ang Turkey, Iran, at Pakistan, may ilan ding panawagan para i-boycott ang mga produkto ng France, protesta at pag-atake sa mga French websites.
Anadolu