Bata pa si Kapuso tween actress Bianca Umali nang maulila sa kanyang mga magulang kaya lumaki siya sa piling ng paternal grandmother niya na si Lola Victorina “Vicky” Umali na tinatawag niyang ‘Mama Vicky’. Kaya very proud siya na tawaging “lola’s girl.”

Noong isang araw ay nag-celebrate si Lola Vicky ng kanyang birthday at sang heartfelt birthday message ang ipinost ni Bianca sa kanyang Instagram account kasama ang favorite niyang picture nila ng kanyang lola.

“This will always be my favorite photo of you, Mama. Happy, happy, happy birthday, my superhero. We’ll always eat plenty of hopia and drink plenty of coffee together, our favorite! Mahal na mahal na mahal kita!!! ‘huuug! So proud to be a lola’s girl!”

Samantala, patuloy na napapanood si Bianca sa rerun ng Kambal, Karibal with Miguel Tanfelix and Kyline Alcantara, gabi-gabi sa GMATelebabad, pagkatapos ng Encantadia.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May naghihintay nang bagong project si Bianca, her first adult series, sa GMANetwork, ang Legal Wives kasama sina Alice Dixson, Megan Young at Dennis Trillo.

-NORA V. CALDERON