BALIK aksiyon si undefeated Filipina fighter Denice Zamboanga sa kanyang pagsabak kontra Wtasapinya “Dream Girl” Kaewkhong sa One: A New Breed na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Agosto 28.

Halos isang buwan nang nasa Thailand ang 23-anyos na si Zamboanga para makapagsanay at maihanda ang sarili sa pinakamalaking laban mula nang malagay sa alanganin ang sports dahil sa COVID-19 pandemic.

“Handa na po tayo. Talagang nagdesisyon ang team ko na huwag na munang umuwi sa Manila dahil sa COVID-19 at dito na lang magsanay,” pahayag ni Zamboanga.

Huling lumaban ang Pinay noong Pebrero ng talunin nito si Mei Yamaguchi para mahila ang career record sa 7-0.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032