Pinatawan ng multa at suspensyon sina Glenn Khobuntin ng TNT Tropang 5G at Jaylen Johnson ng Rain or Shine Elasto Painters matapos ang kanilang suntukan sa Philippine Basketball Association(PBA) Season 50 Commissioner’s Cup noong Biyernes, Marso 21, 2026, sa Araneta Coliseum.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, pinatawan si Khobuntin ng dalawang larong suspensyon at multang ₱70,000, habang si Johnson naman ay sinuspinde ng isang laro at pinagmulta ng ₱50,000.
Sinabi ni Marcial na humingi ng paumanhin ang dalawang manlalaro nang sila ay ipatawag nitong Sabado Marso 21, upang ipaliwanag ang insidente.
Nauna nang naglabas ng pahayag si Johnson matapos ang laro at sinabing, “that's not the image I want to portray.”
Nagkaroon ng komosyon ang dalawa sa huling anim na minuto ng laban, na nauwi sa kanilang pagkakasuntukan at kalaunan ay kanilang pagkakatalsik sa laro.
Matapos ang insidente, naglaro na lamang ng all-Filipino lineup ang Elasto Painters at nagtagumpay laban sa Tropang 5G, 112-109, matapos maipasok ni Adrian Nocum ang mahalagang basket kontra kay Bol Bol.