Patay ang isang 60-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa loob ng isang KTV bar sa Barangay 78, Caloocan City.
Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si alyas âNestor,â isang contractor engineer at dating barangay kagawad.
Batay sa paunang imbestigasyon, nasa loob ng KTV bar ang biktima at kumakanta habang nakikipag-usap sa isang waitress nang dumating ang suspek, na umanoây live-in partner ng naturang empleyado.
Lumapit ang suspek at sinuntok ang waitress bago umano bumunot ng kutsilyo at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktimang senior citizen.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima sa tulong ng mga tauhan ng bar, ngunit binawian din ito ng buhay dahil sa tinamong walong saksak sa ibaât ibang bahagi ng katawan.
Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.
Ayon kay Police Lt. Mark PeĂąa, tinitingnan ng pulisya na selos ang motibo ng krimen matapos umanong makita ng suspek ang kaniyang kinakasama na nakikipag-ugnayan sa biktima sa loob ng bar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinutukoy na ang kinaroroonan ng suspek na nakilala na ng pulisya.
Samantala, nakikipagtulungan na umano sa mga awtoridad ang waitress na sangkot sa insidente, habang nananawagan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.