NI-REPOST ni Hashtag Nikko Natividad ang report ng TV Patrol na nahuli ang scammer na nangangalang “Sha Punzalan” na maraming nakuhanan ng pera sa pangakong kikita ito ng 20%.

nico

At isa na nga ang hashtag dancer dito na matagal na palang nangyari sa kanya pero hindi pa niya ito ipinaalam sa lahat at saka lang siya nagsalita nang mahuli na ang nasabing scammer.

Ang caption ni Nikko sa videong nahuli si Sha Punzalan, “Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag-invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera. (Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito. Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang.

“Sobra-sobrang depression binigay nito saken. Nawala ang 4 million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugo’t pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala.

“Hindi nako umaasa na mabawi pa ‘yung pera na nakuha n’ya samen dahil alam ko na wala ‘yung pera. Hustisya na bahala sa’yo.

“Nawalan man kami ni Cielo ng pera. Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy. Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko. Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko n’ya ang mga tao na nagtiwala sakanya.”

Nakisimpatiya kay Nikko ang kapwa niya hashtag dancers na sina Zeus Collins na umaming kamuntik na ring maisahan, Kid Yambao na nagsabing mababalik din ng doble ang nawala.

Sabi naman ni Alex Medina, “Totoo bro, andaming mga hangal ang bituka sa mundo, pero di ibig sabihin di na kayo magtitiwala. Tuloy mo lang ang tinahak mong daan tol at in due time magpapakita din ‘yan sa ibang anyo. Godbless sa inyong dalawa at kumakapit at malakas parin kayo. Prayers para sa inyo.”

-REGGEE BONOAN