MUKHANG si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith ang magiging pinaka-busy ngayong ayos na ang pagbabalik-taping ng mga teleserye ng GMA Network. Kaya sa latest Instagram post ni Jasmine, mukhang katatapos lamang niyang mag-work out at ang caption lamang niya ‘Sunday sweat!’ Kita ang abs ni Jasmine kaya kahit ang kanyang Ate Anne Curtis ay pinuri siya “ABA naman. YAN ang AYUN OH!

jasmine

Tapos na rin kasing magpa-swab test si Jasmine last August 19 at ready na siyang magbalik-taping. Una niyang gagawin ang mini-series na I Can See You ang episode na magtatampok sa kanila nina Alden Richards at Pancho Magno for GMA Network. Magsisimula na silang mag-taping sa August 27 at matatapos sila ng August 30.

May one day rest lamang si Jasmine dahil pull-out na sila ng taping sa Augustt 31 para sa Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Sa September naka-schedule ang showing ng “I Can See You” pero ang DOTS ay magkakaroon muna ng recap bago ipalabas ang fresh episodes na gagawin nila.

-Nora V. Calderon