SA YouTube channel ni Erich Gonzales ay madalas niyang kasama ang kaibigang si Enchong Dee sa vlog niya na kung anu-ano lang pinaggagawa nila na umaabot sa kulang 1M views kaya naisipan ng dalawa na magtayo ng sarili nilang network na Enrich Originals.

Sa nasabing digital network ay gagawa sila ng series na muli nilang pagtatambalan dahil nga sarado ang ABS-CBN kaya naisip nilang sa ibang platform at dito nga sa YT.

“Abangan n’yo po ‘yan, soon,” sabi nina Erich at Enchong.

Anyway, may latest vlog na naman ang aktres kasama ang aktor na ang titulo ay Seafood Mukbang plus Q&A na puwedeng magtanong ang kanilang YouTube subscribers habang namamapak sila ng seafoods tulad ng crabs, lobsters, shrimps, salmon, mussels, at iba pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang mga tanong kina Enrich:

Have you ever felt na fall na kayo sa isa’t isa, “well I have to be honest nagkaroon ako ng crush especially nu’ng Katorse kasi hindi pa naman tayo friends pa agad so may mystery pa. Pero sometimes you will decide whether to (pursue the feelings) or save (na lang) the friendship will last kasi kapag naghiwalay kayo nag-uusap,” sagot ni Enchong.

“I know what you’re talking about kasi sometimes pag super (close) na ang friendship ninyo na grabe na, doon pumapasok ‘yung ‘what if pag itinuloy mo ‘tong nararamdaman mo, baka masira na kayo, wala na talaga,” pahayag ni Erich.

Hirit pa ng aktor, “saka ayoko kasi ‘yung, even with my exes na somehow I get to talk to them, ang hirap kasing umabot sa point na ‘yun na once nag- break kayo.”

Is Erich your ideal girl, “Oh yeah! Growing up yes, like I’m observing you (sabay tingin kay Erich), the way you put up your house, even the way you carry yourself now, the way you dress up, the way you carry everything. When you observe someone, this is someone I want to spend my life with. The reason why I like hang-out in here (bahay ni Erich) because this is something I don’t mind living in, walang masyadong gamit pero maraming pagkain.”

“Thank you, “nakangiting sagot ni Erich.

Why do you always look Erich she’s the girl I want to be with forever.

“This is how we look at each other, walang meaning po, it’s a sign of comfortability and trust,”paliwanag ni Enchong.

If given a chance, would you date Erich and would you say Yes to Enchong.

“I think we’ve been on a date, eh,” kaswal na sabi ng aktor.

Reaksyon kaagad ng aktres, “Weh, oh, wah,”

“I think with group pero ‘yung hang out na tayong dalawa lang (umiling ang aktor),” bawi kaagad ni Enchong.

Would you say yes to Enchong, “napabuting tao ni Enchong bakit naman hindi magye-yes kay Enchong, pero siyempre babaan n’yo lang ‘yung expectations n’yo, wag masyadong mataas (sabay tawa),” say ni Erich.

-Reggee Bonoan