Pitong miyembro ng isang pamilya ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Sitio Kagitingan, Barangay Cagay, Roxas City, kamakailan.
Ito ang kinumpirma ni Roxas City Mayor Ronnie Dadivas sa kanyang Facebook account.
Sinabi nito, apat na anak na lalaki ng isang negosyante, asawa at manugang na babae ang tinamaan ng virus matapos isailalim ang mga ito sa sa Real Time Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test.
Nauna nang naiulat na isinailalim sa home quarantine ang magpamilya noong Agosto 16.
Kaugnay nito, ipinasara naman ng alkalde ang Burgos talipapa kung saan nagtitinda ang mga nagpositibo.
Kaagad na ring isinailalim sa lockdown ang nasabing lugar upang maiwang kumalat pa ang nabanggit na sakit.
-Fer Taboy