NGAYONG buwan ng Agosto ay available sa Netflix ang I Love The Way U Lie ng Viva Films at Can Tin. Isang fortune teller named Stacey ang role ni Alex Gonzaga na naging tulay between Xian Lim and his dead wife, na role ni Kylie Versoza. Ang kaso she found herself falling in love kay Xian. First para kay Alex na magkaroon ng kissing scene sa kanyang leading man. Sa totoong buhay ay first boyfriend niya ang Lipa City Councilor Mikee Morada.
Ganoon na lamang ang pasasalamat niya kay Lord at dumating sa buhay niya si Mikee “who is understanding and accepts the best and worst in me. I feel he is God’s gift to me.”
Maraming followers as in millions sa social media si Alex. Naging biktima siya ng fake news na pinapatulan niya kung minsan. May limitasyon si Alex sa pagbabahagi ng pribado niyang buhay. Ang main concern ni Alex are her loved ones specially Mikee at kung comfortable sa gusto kong i-share.
Nakaka-relate ba siya sa karakter ni Stacey?
“When I was younger, desperado akong ma-in love. But i have changed.”
Wala ngang dudang heaven sent si Mikee sa buhay ni Alex.
-Remy Umerez