“Talo kayo sa pool guy ko!Gwapo @robinhoodpadilla salamat babe,” ito ang caption ni Mariel Rodriguez-Padilla sa pinost niyang larawan ng asawang si Robin Padilla habang nililinis ang swimming pool nila sa bahay nu’ng isang araw.

robin at mariel

Pero tila hindi alam ni Mariel ang nangyari sa kanyang asawa ng mismong sandaling iyon dahil tila naging abala na siya sa paggawa ng tinapay na ipinalalabas niya sa kanyang YouTube channel.

Ang caption ni Mariel sa ginawang tinapay, “Once a week a make bread for my family. It makes me so proud knowing that i make the bread that they eat. It’s 12:21 and I am waiting for the bread to cool so I can put them in containers and my family can have them for breakfast tomorrow. Di ba ganyan tayong mga nanay? Pagpupuyatan talaga para sa pamilya. #CookingInaKaTalagaMommyMariel.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hanggang sa mag-post na rin si Robin ng nangyari sa kanya na muntik niyang ikamatay habang inaayos ang water pump at filter ng kanilang pool.

“Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig. Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael.

“Magmula nong lockdown kami kami na lang ang gumagalaw dito sa Palais de Tres Marias kapag may maintenance problem hanggat kaya ng aming pag intindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa virus COVID-19.

“Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle ng tubig at hindi mag stagnant ang nasa malalim.

“Araw-araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap.

“Pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, positive at ground wire. Allah hu akbar, kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at ma-iplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig Yun!!! The end sigurado ako, goodbye Philippines!

“Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama ‘yun pump kasi ‘yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin.

“Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar, nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan, paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah,” mahabang post ni Robin.

-REGGEE BONOAN