LIKAS lamang talagang tahimik si Sarah Geronimo, pero hindi nangangahulugan na hindi siya kaisa ng mga kasama niya bilang Kapamilya, sa hindi pagsama sa mga rally na isinasagawa ng mga kapwa artista sa ABS-CBN. Sa kanyang social media platform, inihayag ni Sarah ang pagtanaw niya ng utang na loob sa network na sumuporta sa kanyang singing at acting career na mahigit nang isang dekada.

sarah

“Malaki pong bahagi ng aking karera ang ABS-CBN. Maliban po sa pamilya ko at sa aking manager na si Boss Vic (del Rosario) ng Viva Entertainment, ang ABS-CBN ang ilang beses na sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer,” wika ni Sarah.

Malaki po ang utang na loob ko sa network at habang buhay ko po itong ipagpapasalamat, ang bawat oportunidad at tiwala, na ibinigay nila sa akin.”

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Aminado si Sarah na hindi niya alam ang lahat ng facts kung bakit tinanggihan ang paghingi ng bagong franchise ng network, pero sumasaludo siya sa mga executives nila na dumalo sa hearing sa House of Representatives. Isa rin daw siya sa umaapela na bigyan ng second chance ang network para makapagserbisyo sa mamamayang Pilipino.

“Masakit pong matanggihan, pero patuloy kaming sumasamo, nakikiusap at umaapela na bigyan kami ng isa pang pagkakataon na makabawi kung meron kaming pagkukulang. Isa po rin ako na nararamdaman ko ang pinagdaraanan ng mga ABS-CBN employees, lalo ngayon na nakikipaglaban din tayo at ang buong mundo sa COVID-19 pandemic. Kaya sana po ay magkaisa na lamang tayo para sa ating bansang Pilipinas at sa ating kapwa,” panghuling pakiusap pa ni Sarah.

-NORA V. CALDERON