HAHARAP ngayon kay PBA Commissioner Willie Marcial sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Rain or Shine rookie Adrian Wong para ipaliwanag ang pagkakasangkot nila sa kontrobersyal na 5-on-5 game kamakailan sa San Juan City.

Kumalat sa social media ang video nang laro ng grupo nila Aguilar at Wong, kasama sina Japan League-bound Thirdy Ravena at Gilas Pilipinas pool member Isaac G.

Kaugnay nito, humingi na ng paumanhin si Go kay Marcial noong nakaraang Huwebes matapos itong tawagan ng huli hinggil sa lumabas na mga video.

Ayon kay Ma r c i a l , pinaalalahanan nito si Go na bagamat wala pa sya sa PBA matapos kuhanin para sa Gilas program ay bahagi na rin sya ng pamilya matapos maging top pick sa nakaraang draft at kinakailangan niyang maging isang “role model” para sa lahat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nangako naman si Go na hindi mauulit ang mga nangyari.

Base sa nakita sa video ay nilabag ng grupo ang IATF protocols para sa umiiral na general community quarantine sa Metro Manila. Nitong Biyernes, tanging ang training na may limitadong bilang ang pinayaga ng IATF sa PBA.

Ganap na alas-2:00 ng hapon ang pulong sa PBA office sa Quezon City.

-Marivic Awitan