SA ikatlong session ng Philippine Sportswriters Associate (PSA) sa bago nitong platform na online forum, makakasama ngayon ang mga opisyal ng  University Athletic Association of the Philippines (UAAP)  upang ilatag ang kanilang mga plano sa panahon ng pandemya.

Sina UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag at  UAAP President Emmanuel Fernandez ng  Ateneo na siyang host nitong nakaraang season ang magkukuwento ganap na alas-10 ng umaga na mapapanood sa Facebook page ng PSA via Zoom gayundin sa Radyo Pilipinas dos.

Ipaliliwanag ng mga opisyales ng UAAP ang kanilang mga nakahandang plano sa pagsapit ng new normal para sa liga.

Ang nasabing weekly Forum ay inihahandog ng  San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, and Philippine Amusement at  Gaming Corporation (PAGCOR) katulong ang Smart.    ANNIE ABAD
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race