NAGLABAS ang world governing body ng larong basketball -ang FIBA (International Basketball Federation) ng mga official guidelines nitong Martes (araw ng Miyerkules dito sa Pilipinas) upang makatulong sa kanilang mga miyembrong lokal na pederasyon para sa pagpaplanong i-restart ang basketball sa kani-kanilang mga bansa matapos itong matigil dulot ng coronavirus pandemic.

fiba

Kabilang na dito ang pagkakaroon ng lahat ng mga basketball teams ng physical distancing sa kanilang bench, personal hygiene sa ensayo at sa game days kahit pa bumuti ang kasalukuyang sitwasyon.

Ipinagbabawal din ang pagha-high fives, pakikipagkamay at pagyakap sa mga katunggali oahit sa mga kakampi kahit pa tanda ang mga ito ng sportsmanship.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi na rin pahihintulutan ang pakikisalamuha sa mga fans gaya ng pagpapalitrato, pakikipagkamay at autograph signings.

Kinakailangan ding linising mabuti at i-santize ang kabuuan ng mga training at competition venues at dapat may nakahandang disinfectants upang ipanglinis sa mga naroroong mga equipments.

Ayon pa sa FIBA, maaari lamang muling ilinsad ng mga local federations angkanilang official training at competition batay pa rin sa desisyon ng mga awtoridad at namumuno sa kanilang lugar.

"Thereafter, when public authorities have granted permission for sport activities to begin, more conventional approaches to training and competition may commence – it must be recognized that public authorities will most likely restrict gatherings of large numbers of individuals and therefore spectator attendance may be prohibited as competitions commence," ayon sa inilabas na guidelines ng FIBA.

Dito sa bansa, tanging mga team practices pa lamang ang pinapayagan na maisagawa muli partikular sa National Capital Region sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ)pero may sinusunod pa ring mga guidelines.  MARIVIC AWITAN