BUMUHOS ang request ng Netizens na ibalik ang mga lumang Kapuso shows.
Kamakailan lamang ay naglabas ng statement ang GMA Network na pansamantala nilang ititigil ang produksyon ng kanilang mga orihinal na programa alinsunod na rin sa abiso ng gobyerno na mag-community quarantine upang mapigilan ang higit na paglaganap ng COVID-19.
Dahil dito, pahinga at tigil muna sa taping ang mga on-going programs ng Kapuso Network mula sa top-rating Afternoon Prime na Magkaagaw, Prima Donnas, Bilangin ang Bituin sa Langit hanggang sa pinag-uusapang Telebabad line-up na Descendants of the Sun, Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, at Love of my Life.
Bumuhos naman ang requests ng mga netizens nang malamang ibabalik ng Kapuso Network ang ilan nitong lumang shows bilang kapalit ng on-going teleseryes na apektado ang taping dahil sa community quarantine.
Ilan sa mga nais ibalik ng viewers ang classic series ng GMA-7 gaya ng Encantadia, Mulawin, Majika, Amaya, Marimar, Dyesebel, Super Twins, maging mga iconic anime series na nakagisnan na raw nilang panoorin noong kabataan nila gaya ng One Piece, Detective Conan, at Dragon Ball.
Samantala, kumpirmado na requel ng Encantadia ang ipapalit sa Eat Bulaga at All-Out Sundays para sa mga GMA Pinoy TV subscribers.
Sa panahon kung kailan hinihimok ang lahat na maglagi lamang sa loob ng kani-kanilang tahanan, isa ang panonood ng telebisyon sa mga maaaring pagkaabalahan kung kaya naman excited na ang lahat sa ilalabas na lineup ng reruns na papalit sa current GMA seryes.
Mag-ingat po tayong lahat!
-MERCY LEJARDE