KUNG si Angel Locsin ang tinaguriang Darna ng lokal na aliwan dahil sa mabilis nitong pagtulong sa lahat ng nangangailangan mula Luzon, Visayas at Mindanao ay may ka-tandem na siya bilang Superman, si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Vico

Nakagugulat ang ipinakitang bilis ng pag-ayuda ni Mayor Vico sa nasasakupan niya para labanan ang COVID-19 dahil ang dami na pala niyang nagawang aksyon at hindi lang puro press release.

Para sa kaalaman ng lahat ay Marso 12 palang ay pinangunahan na kaagad ni Mayor Vico ang pag-disinfect sa buong Pasig na naunang bigyan ng Personal protective equipment.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nagpalagay din ng sanitation tents para sa public hospitals at City Hall na bawa’t papasok ay dini-disinfect.

Namataan din ang batang mayor na personal niyang pinuntahan ang 10 checkpoints sa Pasig para makita kung ano ang dapat niyang ayusin.

Nagsimula ang Community Quarantine nitong Linggo, pero binago nitong Martes at ginawang Enhance Community Quarantine na mas lalong hinigpitan ang lahat ng mamayan ng Metro Manila at kanselado na rin ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon na naging malaking problema ng health workers natin kung paano sila papasok dahil sa unang araw palang ay wala namang ibinigay na service vehicles ang gobyerno. Hindi nila ito naisip kaagad?

At dito napuri kaagad si Mayor Vico dahil 9AM palang ng Martes ay nag-anunsyo na siya na gagamitin ang service vehicles ng lungsod ng Pasig para sa health workers at kung anong oras at pickup points.

Bus service for essential personnel:

1.City Hall - Sheridan (8-12am, 1-4pm) 2. City Hall - Santolan (B) (8-12am, 1-4pm) 3. Lucky Gold - PCGH (6am and 5pm) 4. City Hall - PCGH (6am and 5pm) 5. City Hall - Santolan (A) (6-8am, 5-7pm) 6. City Hall - Kalawaan (6-8am, 5-7pm) 7. City Hall - Kenneth (6-8am, 5-7pm) 8. City Hall - Rosario (6am and 5pm) 9. Mega Market - Shaw (19 stops).

These routes will run as many times as possible throughout the day. We will try to operate even beyond the indicated times.

Martes, Marso 17 palang ay inanunsiyo na ni mayor Vico, “Sa mga kawani ng ating lokal na pamahalaan. ‘Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatanggap ng buong sweldo -- kahit yung mga Job Order na ‘no work no pay’. Gagawan natin ng paraan.

Basta, mag-ingat, at hangga’t maaari sa bahay lang muna kayo. Sa mga empleyado namang nasa Frontlines, meron kayong hazard pay, OT, at iba pang benepisyong maaasahan.”

At nitong Miyerkulesbay trending nationwide ang mga aktibidades na ginawa ng batang Ama ng Pasig City para sa kababayan niya dahil sunudsunod ng naglabasan sa social media ang mga ginawa niya na kaagad pinuri ng lahat.

Kumalat sa social media ang pinatayong mobile kitchen ni Mayor Vico para sa heath workers.

“Pasig city government has set up two mobile kitchens at RAVE Bgy. Maybunga to prepare food for frontliners and local responders in the city.”

Kaagad ding inihanda ang 400k food packs para sa COVID19 community quarantine at ang pinakabongga ay umorder pala ng disinfectant drone ang batang mayor para mas mapabilis ang pagkilos ng kanyang team na malinis ang hangin sa Pasig.

Ito ang tinanong kaagad sa kanya nang makapanayam siya sa DZMM nina Ali Sotto at Peter Musngi nitong Miyerkules ng hapon pero hindi muna nagbigay ng detalye si Vico dahil kakarating palang ng mga drone at aayusin pa, saka na lang daw siya magbibigay ng balita tungkol dito.

Natanong din ang tungkol sa ipinatayo niyang mobile kitchen at nabanggit na alam niya ang hirap at pagod ng health workers na hindi na kumakain sa kawalan ng oras o kaya naman ay hirap umorder ng pagkain dahil nu’ng Martes ay ipinagbawal ang lahat ng food delivery.

Kaya nagpalagay siya nito para sa mga gustong kumain anumang oras bago mag-curfew.

At dahil sa napakabilis na aksyon ni mayor Vico ay umani siya ng papuri sa buong bansa at nalaman na rin ito sa ibang bansa kaya naman pinag-uusapan siya ngayon doon.

Ending, maraming tinamaang kapwa niya mayor sa mabilis at magandang performance ni Vico kaya naman ang pakiusap ni Makati City Mayor Abby Binay nang makapanayam din siya sa DZMM nitong Miyerkules, “sana walang comparison kasi magkakaiba naman kami, magkakaiba kami ng nasasakupan.”

May katwiran naman din si Mayor Abby, kaso sa ganitong panahon ng krisis ay hindi maiiwasang hindi ikumpara ang mga namumuno ng bawa’ lungsod dahil kaya nga ibinoto sila ng nasasakupan nila dahil naniniwala sa mabilis na solusyon.

Pero sa mga bayarang trolls ay negaibo ang ginawa ni mayor Vico dahil pabebe raw at pabida kaya hindi pinagbigyan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang hiling niyang sana payagan ng pamahalaan ang pagbiyahe ng mga traysikel sa Pasig para may masakyan ang mga pasyenteng pupunta sa hospital lalo na ang mga nagda-dialysis.

May magandang dahilan din naman ang pamahalaan kung bakit hindi pinayagan ang hiling ni mayor Vico.

“Concerned talaga ang gobyerno dito sa paggamit ng tricycle dahil hindi namin lubos na makita or maintindihan paano mag-social distancing sa tricycle,” saad ni Secretary Karlo Nograles sa ginanap na press brieding noong Miyerkules ng gabi.

-REGGEE BONOAN