NAG-SHARE ng kanyang saloobin si KC Concepcion sa pamumuhay ng mag-usa ngayong nakasailalim ang National Capital Region (NCR) community quarantine upang malimitahan ang interaksyon ng publiko at maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19).

KC

Sa isang serye ng videos na ipinost sa Instagram, sinabi ng anak ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na sa kabila na sana’y na ang mga taong namumuhay mag-isa sa “independence”, may mga panahong nais niyang makasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

“For now, gusto ko lang i-share na kung kayo ay katulad ko na mag-isa sa bahay at walang kasama sa bahay, or hindi na nakatira sa parents niyo, or single kayo, wala kayong asawa, at wala sa tabi niyo ang boyfriend niyo, or wala kayong boyfriend or girlfriend… ako din, mag-isa lang ako dito,” pag-uumpisa ni KC.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mabuti na lamang, aniya, na may modernong teknolohiya na upang maabot ng mga tao ang isa’t isa sa panahon ng social distancing.

“Na-touch talaga ako kanina dahil meron kaming group chat ng mga titos and titas ko sa mother side, na alam nila na mag-isa lang ako and they would tell me na, ‘Basta alam mo na nandito lang kami,’” pagbabahagi ng actress.

Aminado naman si KC na sa kabila ng pagiging independent niya sa murang edad, dahil sa pandemic, naisip niyang mas magandang may kasama ka.

“Home away from home,”aniya. “Nasanay na akong tumira mag-isa since 18 (years old) ako, since nag-college ako. I know na maraming tao dito, who are like me, na napaka-independiyente at nagawa naman. Pero siyempre, sa mga panahon katulad ngayon, na ganito, yung lang…”

“Kung okay rin mag-isa o kung, ‘di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sa ‘yo at meron ka ring kausap,”pagbabahagi ng aktres. “Pero thank God talaga na may mga video calls na ngayon, may text, ‘di ba? At least ngayon nalilibang ang mga sarili natin and may mga ways to entertain ourselves.”

Matatandaang si KC ay nagtapos ng degree sa International Corporate Communication, minor in Theatre Arts noong 2007 sa American University of Paris, France.

Pinaalalahanan din ng aktres ang kanyang mga followers na alagaan ang kanilang sarili.

“I encourage those like me, who live alone, to take this time to, one, self-quarantine, so that you can just check ourselves for the next 14 days to see if clear kayo, if may napi-feel kayo,”anito. “My doctor told me don’t go to hospitals unnecessarily because more than 90 percent of those infected recovers.”

“Just take this time to just pray and think about life. ‘What is life na ba ito?,’” aniya, habang natatawa.

Nang maging seryoso, sinabi ni KC na magandang oportunidad ang community quarantine para sa mga tao na makapag-isip kung ano ang mahalaga.

“Walang perfect, like what I’ve said before, pero sana maipakita natin sa isa’t isa ang pagmamahal natin. My way of showing that I care is letting you guys know you’re not alone. Actually gusto ko ngayon sabihin sa sarili ko, ‘You’re not alone.’”