THANKFUL si Kapuso actress Sunshine Dizon na pinayagan siya ng GMA Network na makapag-leave sa taping niya ng Afternoon Prime drama na Magkaagaw para makapunta sa Holy Land, sa Israel. Umalis si Sunshine sa bansa noong February 24, kasama ng isang pilgrimage group. Kasama ni Sunshine ang isang pinsan niya. Hindi man niya naisama ang mga anak na sina Doreen at Anthony, naka-Facetime naman siya sa kanila kahit saan sila pumunta ng grupo.

Sunshine Dizon at Jordan River

Tama ang napiling time of the year na pumunta si Sunshine sa HolyLand dahil malamig pa ang panahon at kahit mainit ang sikat ng araw, halos hindi mo iyon mararamdaman. Mahirap kasing pumunta roon ng April dahil aabutan ka na ng summer by May.

Pinost lahat ni Sunshine sa kanyang Instagram kung saan-saan sila pumunta sa Holy Land. Pero ang isang post niya ay nang makita niya ang birth place ni Jesus sa Bethlehem. Caption niya: “Praise God for making it possible for me to see and venerate in His birth pace. I could not control my tears, I was so overwhelmed and really felt the spirit moving me.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

You will be humbled talaga kapag pinuntahan mo ang lugar na iyon dahil hindi pwedeng hindi ka luluhod para mahalikan mo ang big star na siyang birthplace ni Jesus.

Isa pang pinuntahan nila na blessed na blessed si Sunshine ay ang renewal of baptism nila sa Jordan River. Caption lamang niya ay “Praise you Jesus” kasi iba nga ang feeling mo once na na-baptized ka ng tubig kung saan na-baptized si Jesus ni St. John the Baptist.

Ilan pa sa pinuntahan nilang lugar ang Church of the Visitacion. Church of the Anunciation, Church of Cana, Mount of the Temptation, Transfiguration Church, Bethlehem, St. Peter Church, Petra, Church of the Nativity, Church of the Multiplication of the Bread, Banias Falls i Caesaria Philippi, at marami pang iba.

Tamang-tama ang Holy Land trip ni Sunshine dahil malapit na ang Holy Week. Doon nga sila nakapagpalagay ng abo noong Ash Wednesday.

-NORA V. CALDERON