May mga pumuna kay Xian Lim dahil matagal daw bago nag-post ng kanyang reaction sa Instagram (IG) sa nangyarisa girlfriend niyang si Kim Chiu. Ang hindi alam ng mga pumuna kay Xian, baka dinamayan muna si Kim bago mag-post. Tama lang na si Kim muna ang dapat unahin, ‘si ba?

Xian

Post ni Xian: “Thank you to everyone who expressed their prayers and concern. We can never explain why these horrible things happen. Thankfully there are no casualties. Thank you God for always being by our side.”

Ang kapansin-pansin, black ang monitor ng post na ito ni Xian bilang simpatiya sa nararamdaman niya sa ginawa at pinagdaanan ni Kim.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, deleted na sa post ni Kim ang line na “Sana tinitingnan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko na lang walang nasaktan sa amin.”

Na-off ang mga nakabasa sa part na ‘yun ng post ni Kim and she was advised to delete it na kanya namang ginawa.

Anyway, may binuo ng task force ang mga pulis na mag-iimbistiga sa nangyari kay Kim na ambush pala ang nangyari, ito ay para malaman kung mistaken identity nga ang nangyari kay Kim. Sabi rin sa balita, binigyan ng police security ang aktres.

-NITZ MIRALLES