LAST Monday, February 17, is the 36th birthday ni Anne Curtis, at ang pasabog niya for her birthday ay ang pagpu-post niya ng preggy photo niya in a birthday suit. Ilang araw na lamang ay magsisilang na si Anne ng baby girl nila ng asawang si Erwan Heussaff at kasalukuyang nasa Australia na siya, dahil doon niya isisilang ang kanilang first baby. Caption ni Anne:

Jasmine at Anne

@annecurtissmith Birthday suit. I have been so amazed how my body has changed, created and grown a little human being – I can feel her little hiccups, her big kicks in my ribs and squirming around in me every single day. Not too long till my little girl meets the outside world and she will be the best giFt I have ever received in my life. Thank you for your birthday greetings everyone! Sending out light and love to all of you!

Kung excited si Anne na makita na ang kanyang baby girl, excited din ang magiging tita, ang younger sister ni Anne, si Jasmine Curtis Smith, na sana raw ay payagan siyang mabisita ang kanilang coming baby girl. Busy kasi si Jasmine sa taping ng kanilang Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun na gabi-gabi ay nagti-trending tuwing pinapanood sila at 8:40 PM after ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA 7.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

-Nora V. Calderon