Hindi lamang mga namamasadang driver sa iba't ibang uri ng sasakyan at mga karaniwang mamamayan ang nakakaramdam sa pagtaas ng presyo ng langis kundi maging ang mga celebrity.
Kagaya na lamang ng Kapuso actress at "Unang Hirit" TV host na si Shaira Diaz, na napaaray na rin sa oil price hike matapos magpa-full tank ng gasolina.
Umabot kasi sa halagang ₱7,463.29 ang full tank niya na dati ay nasa ₱3700 hanggang ₱4,000 lamang.
"Ramdam na ramdam ko na ang #OilPriceHike! WOW! Dati nasa 3700-4k lang ang full tank ko. Nabulaga ako!" saad ni Shaira sa kaniyang social media post nitong Biyernes, Marso 20.
"Anlala talaga. Pang grocery na to eh," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshots from Shaira Diaz/FB
Tila sumang-ayon naman sa kaniya ang mga netizen na ramdam na rin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
"Aq nga din kanina Shaira Diaz nag fultank ng motor q natulala aq hahaha..hindi na talga joke..pero what we do..itawa nlng.."
"Kaya ang ginagawa ko kada gamit ko ng sasakyan bago umuwi nagpapa-full tank ako uli. Para hindi masyadong masakit sa bulsa. Araw araw nagtataas ang gasolina e."
"pitong libo para sa iaang biyahe araayyy ko."
"Yang 7k mo ms shaira pang grocery ko na yan!!huhuhu"
"Hayaan muna love, kikitain naman ulit natin yan basta sipagan lang natin parehas ingat lagi love, Shaira Diaz."
"Hay nakooh mam Shaira Diaz kami din ramdam na ramdan lalo nat mag biyahi kami sa probincya pauwi sa amin double ang itinaas. pero ok pa naman sabi ni daddy Pres.huhuhi labang lang tayo."
Samantala, mukhang namisinterpret naman ng isang netizen ang naging post ni Shaira at tila binanatan ito.
"Common sense naman, natural tumaas presyo kada litro. Dapat updated ka kasi nasa Unang Hirit ka," saad nito.
Pero hindi naman ito pinalagpas ni Shaira at sinagot.
"Huh? Malamang updated ako. Anong di mo gets sa sinabi ko?" aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Shaira Diaz/FB
Hindi na nag-reply pa ang nabanggit na basher bagama't hindi siya nagbura ng kaniyang komento laban kay Shaira.