SA kanyang IG Story, naka-post ang “I’ll be out for awhile. Injured myself yesterday during a training session. Slipped disc.”

Matteo

Nasa bahay lang si Matteo Guidicelli sa sinabi niyang “chilling out” habang nagpapagaling sa kanyang aksidente. May mga nagpahayag ng concern kay Matteo dahil sa March 14 na ang wedding nila ni Sarah Geronimo at dapat nag-iingat siya. Ang pangit nga naman tingnan na naglalakad ang groom na paika-ika.

Wala palang binanggit si Matteo kung saang training siya na-injure, may mga nag-akalang sa training niya sa Viva Films movie na Penduko nangyari ang aksidente. Sabi pa ng netizens, sumunod si Matteo kay James Reid na na-injured din sa training ng ‘Pedro Penduko’.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-Nitz Miralles