AYON sa isang Kapuso PR Girl ay umamin daw itong si Yasser Marta na mas lumalalim ang relasyon nila ni Kyline Alcantara lately.

Kyline at Yasser

Kinakikiligan daw ngayon ng mga netizens ang pictorial ni Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara kasama ang newest heartthrob ng GMA 7 na si Yasser Marta para sa kanilang pinakabagong teleserye na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Nag-uumapaw raw ang chemistry ng dalawa habang sweet na sweet na nagpo-pose sa camera.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ayon pa kay Yasser, mas lumalim daw ang kanilang pagsasamahan nang magsimula ang kanilang taping at promotions, “Mas lalong lumalalim ‘yung samahan namin ni Kyl ine. Nagkasama na rin kami before sa isang teleserye and after that we became good friends. Mas naging deep talaga ‘yung relationship namin lately dahil sa bagong teleserye namin.”

Naks naman! May sweet something in real life na kaya ang dalawa? Just asking!

Malapit nang mapanood ang tambalang Kyline at Yasser sa much-awaited teleserye na Bilangin ang Bituin sa Langit kung saan masisilayan din ang pagbabalik ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Kasama rin sina Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, at Divina Valencia. Kaya tutok lang sa GMA para sa nalalapit na pagsisimula ng Afternoon Prime series.

-MERCY LEJARDE