MARAMI ang nag-like sa pinost na photo ni Jasmine Curtis-Smith na kasama si Ricaro Cepeda at pareho silang naka-military uniform. Gumaganap silang mag-ama sa Descendants of the Sun bilang sina Lt. Gen. Carlos Defensor at Cpt. Moira Defensor, respectively.

rICARDO AT jASMINE

My caption ang photo na “Gen. Carlos and Cpt. Moira Defensor are the epitome of tough love in this series. We are ready for your father-daughter battle on #DOTSPH.”

Kabilang ang mga karakter nina Ricardo at Jasmine sa aabangan ng Kapuso viewers sa DOTS na magkakaroon ng world premiere sa February 10, pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Magkakaroon ng conflict ang mag-ama dahil tututulan ni Lt. Gen Carlos Defensor ang pag-iibigan nina Cpt. Moira at T/Sgt. Diego

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Ramos na ginagampanan ni Rocco Nacino.

Speaking of Jasmine, sa mediacon ng DOTS lang siya natanong sa pagkasangkot niya sa isyu noon nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa parking lot ng SM Megamall noong 2019 after ng premiere night ng movie nila ni Ruru na Cara X Jagger. Nagselos daw kasi sa kanya si Bianca, pero dahil itinanggi ni Ruru, after one week, namatay din ang isyu.

“That’s their relationship, you know, and people will always drag people into other people’s messes. Ang importante, alam mo kung saan ka nakalugar. It’s just knowing your place, and being confident knowing who you are, what you really involved in, at kung hindi ka naman involved sa drama nila, you know, just stay away from it, kebs lang,” pahayag ni Jasmine.

-NITZ MIRALLES