NASAGOT ang aming tanong kung bakit kasama si Gab Valenciano sa contract signing ni Willie Revillame ng kontrata sa GMA Network para sa Saturday edition ng Wowowin na tatawaging Wowowin Primetime.

Gab2

Si Gab ay kasama na sa tatlong directors ng show na kinabibilangan nina Joel Angeles at Gilbert at silang tatlo ang magdidirek ng Monday to Friday episodes at pati na rin ang Saturday episode.

Post ni Gab: “To everyone asking, I will be directing from Monday to Saturday. Not just Primetime (Sat). Also, I’ve been with the team since October. Just couldn’t disclose yet” at “Eternally blessed for the opportunity to be part of something this empowering.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa February 15, na magsisimula ang Wowowin Primetime at tiyak na malaking paghahanda ang ginagawa ni Willie at ng kanyang team. Hintayin natin ang announcement kung may bagong dagdag sa female co-host para mas masaya.

-Nitz Miralles